"Batang K-12, Handa sa trabaho o kolehiyo, Handa sa mundo."
- DepEd
Makalipas ang ilang taon mula nang maprobahan ang kurkulum na k-12, masasabi nating malaki ang pondo kakailanganin para maging matagumpay ang programana ito. Ilan lamang sa mga pangunahing layunin nito ang mapadali ang proseso ng pag aaral sa mga pang publikong paaralan dito sa Pilipinas para makakuha agad sila ng trabaho at nang sa ganon tumaas ang bilang ng may mga trabaho sa ating bansa at lumago ang ating ekonomiya.
Sa maayos na proseso, madali na silang makatungtung sa kolehiya sa anim na taon nilang pag-aaral sa sekondaryang lebel. Ipinapaliwanag sa programang ito na sa matagal na pag-aaral madali na silang makakuha ng gusto nilang kurso sa "junior at Seniort High School" at makakuha ng gusto nilang trabaho.Ipinapaliwanag din dito ang mga kursong mapa medikal o medisina,Kopyuter tech., Teknikal- bokasyonal o ang mga napapanahon na trabaho sa ating bansa. Meron rin ini-ooffer ang ibat- ibang paaralan tulad ng Agrikultura (Agricultural sector), Industriya (Industrial Sector), laborers, mga OFWs at iba pa.
Ayon sa National Statistics Office (NSO), pumalo hanggang 37.1M ang may mga trabaho sa Pilipinas habang kalahati nito ang mga wala pa. Patunay lamang nito ang mabilis napag-unlad ng ekonomiya ng bansa. At kaya nang makipag-sabayan sa ibat-ibang bansa.
Tanging masasabi ko lang sa programang ito na ang ang layunin ng K-12 ay maganda lalo na sa mga taong nasa mababang lipunan tulad ko. Nais ng K-12 na mapalago ang lahat ng tao at ang ating bansa.
Tanging masasabi ko lang sa programang ito na ang ang layunin ng K-12 ay maganda lalo na sa mga taong nasa mababang lipunan tulad ko. Nais ng K-12 na mapalago ang lahat ng tao at ang ating bansa.