Sunday 22 March 2015

K-12 layunin: Salik sa Pag-unlad

Ano ang layunin ng DepEd K to 12 program
"Batang K-12, Handa sa trabaho o kolehiyo, Handa sa mundo."  
                                                                           - DepEd
   Makalipas ang ilang taon mula nang maprobahan ang kurkulum na k-12, masasabi nating malaki ang pondo kakailanganin para maging matagumpay ang programana ito. Ilan lamang sa mga pangunahing layunin nito ang mapadali ang proseso ng pag aaral sa mga pang publikong paaralan dito sa Pilipinas para makakuha agad sila ng trabaho at nang sa ganon tumaas ang bilang ng may mga trabaho sa ating bansa at lumago ang ating ekonomiya. 
    Sa maayos na proseso, madali na silang makatungtung sa kolehiya sa anim na taon nilang pag-aaral sa sekondaryang lebel. Ipinapaliwanag sa programang ito na sa matagal na pag-aaral madali na silang makakuha ng gusto nilang kurso sa "junior at Seniort High School" at makakuha ng gusto nilang trabaho.Ipinapaliwanag din dito ang mga kursong mapa medikal o medisina,Kopyuter tech., Teknikal- bokasyonal o ang mga napapanahon na trabaho sa ating bansa. Meron rin ini-ooffer ang ibat- ibang paaralan tulad ng Agrikultura (Agricultural sector), Industriya (Industrial Sector), laborers, mga OFWs at iba pa.
   Ayon sa National Statistics Office (NSO), pumalo hanggang 37.1M ang may mga trabaho sa Pilipinas habang kalahati nito ang mga wala pa. Patunay lamang nito ang mabilis napag-unlad ng ekonomiya ng bansa. At kaya nang makipag-sabayan sa ibat-ibang bansa.
  Tanging masasabi ko lang sa programang ito na ang ang layunin ng K-12 ay maganda lalo na sa mga taong nasa mababang lipunan tulad ko. Nais ng K-12 na mapalago ang lahat ng tao at ang ating bansa.

Friday 20 March 2015

Hayskul Life!

Ito na yata ang pinakamagandang kabanata ng aking buhay.
HAYSKUL LIFE? MINSAN MASAYA, MADALAS STRESS! 
      Naranasan mo na ba ang pagiging ganito? Pwest nandito ako para ilahad sayo ang buhay ng Hayskul. Ilan lamang ito sa mga pangunahing linya ng seksyon namin.
       kahit ano lang ang ginagawa, nagpapaka-busy, "oh! yung line mo, kabisado mo na ba?, "Nagawa mo na ba yung project?, "Yung mga assignments tapos mo na ba?, "yung pina-print ko! mamaya ko na lang bayaran. Hay, naku nakastress parang naging soap opera ang ganapan sa loob ng room namin. Pero REAltalk: ito na ang mga totoong mga nangyayare sa room.
       Kailangan mong magsipag lalo na't nasa pilot section ka. Kailangan mong paghirapan ang mga takdang aralin, proyekto sabawat asignatura. Nang sa gayon maganda ang kakalabasan nito.Masaya siya, dahil doon mo mahuhubog kung gaano ka katatag at kasaya sa propesyon mo ngayon. Lubos mo dapat pag-aralan ang mga leksyon na inatas sayo ng guro mo.Pumapasok nang umaga para sa anumang karadagan anunsyo o takdang aralin na di mo nagawa sa bahay mo, mga proyektong malapit na ipasa, nagpapakapuyat lamang para ito'y matapos, mga pangkatang inaabot na nang gabi , matapos lang ito. Madalas Stress, yung tipong bukas na yung pasahan ngayong palang gagawa, kinakapos na sa tulog magawa lang ang activities na inatas sa inyo ng guro mo at ito pa ang matindi, ang biglaang paguulat sa klase, na nakaka gulat , di ka handa sa mga sasabihin mo sa harapan ng klase. Mga pangkaraniwang kaganapan sa klasrum na kailangan mong haluan ng konting tiyaga at oras. Buti nalang mayroong mga kaibigang handang umalalay sayo sa mga oras na di mo kaya at kaya kang patawanin para naman mawala ng mga sakit sa ulo mo. Nabuo ang "FRAT" namin na kung sabihin ay Frat-ing gutom nami nila Ostia. Sa tuwing uwian kami nag tatawan para mabawasan namin ang stress sa klasroom. 
  Iyan lamang ang mga mahahagalang pangyayare sa buong buhay ko sa hayskul. 

   "Gawin mo hanggat kaya mo ,sabi nga nila basta masaya ka at alam mo na may magandang patutunguhan ito.
HAYSKUL LIFE? SUSUBUKAN MO PA KAYA? KAYA YAN! TIWALA LANG!

My MARVIElous Teacher!

         

    Hoy! nariyan na si Gng. Mixto! (tumahik ang buong paligid, tila may anghel na dumaan sa harapan)). Ang lahat ay nakatikom ang bibig, hinihintay ang unang salita na bibigkasin ng aming guro. Karamihan sa amin ay kinakabahan. Kaya kung minsan nauurat ang lahat sa pagsagot sa kanyang mga tanong. Mga pangyayare sa loob ng klase.
   Hayaan niyo ako ibunyag (ibunyag talalga XD) ang konting kaalaman ko sa aming guro.
    Kilala ang aming guro bilang masayahin, medyo estrikta,hindi siya Down-dated, Sweet lover kay Sir, K-pop lover, in na in, ngayon tulad naming mga kabataan.Kaya naman di halata sa kanya ang pagiging bagets dahil kung minsan siya ay updated sa mga ipinalalabas na Korean Movies tulad na My Love from the Star #MLFS XD, Empress Ki at marami pang iba. Marami rin natutuwa sa kanyang account sa Blog na @isipbataparen.blogspot.com . 
   Sa usaping pagtuturo , hangang-hanga ako sa kanya, dahil sa kanyang estilo sa pagtatalakay na mga aralin, naiiugnay niya ang mga aralin sa kasalukuyang panahon tulad ng sa Noli me Tangere. Kaya naman mabilis namin na kukuha at nauunawan ang kanyang talakayan. Maraming leksyon akong natututunan sa tuwing siya'y papasok at lalabas sa aming room. At higit sa lahat napapagsabay niya ang pagiging Ina,Teacher, bagets XD , sweet lover. Wala sinumang tao ang nabubunggo niya sa pagtuturo niya. MARVIELous Teacher ng Mambugan National High School.

Ika-siyam na Linggo ng Huling markahan!

Sa katunayan ngayong linggo ang sa aming Preliminary Test (March 9 at 10) 
Makalipas ang dalawang araw na pagsusulit sa oras ng aming guro ay nag Correct response kami. Kinabukasan, aming binalikan ang mga kabanatang nauukol kay Elias at kina Sisa At Maria Clara naman ay ipinagpatuloy namin ito. Aming nang tinalakay ang kabanatang kasama si Sisa , mabilis naming ito natapos .Gayon paman aming inaral din si Maria Clara. at nagpagawa ang aming guro na gumawa ng pangkatan kung saan aming iprenisinta kung paano nag suyuan sina Maria Clara at Ibarra at kung nabubuhay pa ito sa kasalukuyan. Aming nang naipresenta nang maayos sa pangungu na aking kapangkat na si Jomar Catuiza bilang gumanap sa tauhan ni Crisostomo Ibarra. Ipinagagawa rin kami ng salaysay para sa rekonstraksyon ng kabanatang naroon s Maria Clara para maipakita na siya ay malakas at may boses sa nobela at dapat kuhaan rin ito ng litrato para mai-post sa aming blog.

Ika-walong Lingoo ng Huling markahan!

   Wala kaming pasok ng isang araw sa Linggo na'to sa kadahilanang may National Achievement Test (NAT) ang Fourth Yr. 
   Sa tatlong araw naming pagsasama, inaral namin ang mga mahahalagang pangyayari sa mga tauhsn psartikular na kay Elias. Ipinagawa sa amin ang mga kabanatang naroon si Elias. Pinagnilayan namin ang mga ito.Madali naming itong natapos. Maya- maya ang aming guro ay nag-atas sa aming ng panibagong Takdang aralin kung saan ibibida naman namin sina Sisa at Maria Clara na kanilang mahalagang ginanapan sa nobela.
At may ipinakita ang aming guro na larawan kung saan sina Sisa at Maria Clara ang naroon, at kami ay tinanong kung ano ang kanialng pagkakapareho at pagkakatulad. Ipagpapatuloy sa susunod na Linggo. Magandang buhay sa bawat isa. ")

Thursday 19 March 2015

Ikapitong Linggo ng huling Markahan!

  Dito sa linggo na ito,  isa sa mga  araw ay walang pasok sa kadahilanang "People Power Revo. Anniversary". Sa pagppatuloy na aming pagsasama, aming pinag nilayan ang tanong na " Crisostomo Ibarra: Biktima nga ba ng  tadhana o pagkakataon? sagot: Dahil nagkataon lang na anak siya ng taong kinagagalitan at kinaiingitan ni Padre Damaso na si Don Rafael. Ito ang dahilan kung bakit labis na hirap at pasakit ang dala sa kanya ng kura. Ngunit, kung hindi sya anak ni Don Rafael ay hindi naman sya sasaktan at papahirap nito.Pagkatapos ang aming guro ay nagsabi ng magkakaroon ng pagsusulit at sususbukan niya kung gaano namin naunawaan ang mga kabanatang aming Inaral ukol sa kay Ibarra. At ang sususnod na aming aaralin ay ang mgakabatanatang ukol kay Elias at siya'y nag atas nagawin din itong takdang aralin.

Ikaanim na Linggo ng huling Markahan!

   Sinariwa namin muli  ang mga kabanatang may kinalaman kay  Crisostomo Ibarra para nang sa  gano'y ito aming maunawaan nang maayos. Gumawa kami ng pangkatan sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon (Dula-Dulaan). Kami'y ay naatasan sa kabanata 3 (Ang hapunan), at ito'y aming ipepresenta sa kasalukuyang araw na ito. Naging katatawanan ang naging interpretasyon ko sa aking kamag-aral kaya naman ako'y pinagsabihan na sa pag dudula ng seryosong kabanatas isang nobela , dapat di ito'y gawing katatawanan .Tumatak ito sa aking isip  , na sa bawat pangkatan ay di dapat hinahaluan ng kakuwelahan lalo nasa mga seryosong sitwasyon o pangyayari. Ilalagay lamang ito sa karapat-dapat. At ito'y naging aral sa akin at dadalhin ko ito sa aking susunod na kabanata na aking buhay.
    Huli araw nang aming pagsasama, ang aming  guro ay nag atas ng takdang aralin kung saan gumawa nang mga bagayna sumisimbolo sa mga tauhang nakapaligid kay Crisotomo Ibarra. At ipapasa ito sa Martes. Magandang buhay!

Ikalimang Linggo ng Ikaapat na Markahan!

     Dito inaaral namin ang mga kabanatang na uukol kay Crisostoo Ibarra, kung saan ipinaatas ng aming guro na gawin itong takdang aralin at ilapat ito sa buong isang papel.kasama nito ang mga dahilan kung bakit ito mahalaga. Una nang inulat ng pangkat una ang mga kabanata. 28 kabanata ang pinag hati hati ng buong pangkat. Sa huling paguulat ng huling pangkat sinamahan kami ng pangkat Hydrogen sa kadahilanang na huhuli sila sa talakayan.
     Sa buong linggo naming pag sasama natapos namin ang mga mahahalagang pangyayari kay Ibarra. Sa maaga naming natapos ang mga kabanata, araw na'to saktong Araw ng mga puso, kami'y gumawa ng liham na patula para sa pasasalamat  sa mahal namin sa buhay.

Wednesday 18 March 2015

Ikaapat na Linggo ng pang-apat na Markahan!

Sa katunayan ngayon ang aming Parade of Characters kung saan ibibida namin ang mga tauhan na nakapaloob sa nobela.Maraming sa aking kamag-aral ang nakikoopereyt at siyang ikinatuwa ng aming guro. Sa aming pangkat ,masasabing kong kami ang pinakakamaganda nag perporm sa klase. Masaya naming inilahad ang kani-kanilang pagkakakilalan.
Sa huli ang aming guro ay nag atas muli nag panibagong pangkatan na aming iuulat sa Martes hinggil sa mga kabanatang nakaatas sa bawat grupo.Maraming salamat po! 

Pangatlo linggo ng ika-apat na markahan!

Mga natatanging tauhan at ang kanilang sinisimbolo.

Aming inaral ang kanilang sinisimbolo sa totoong buhay na nangyare kay Jose Rizal . Base sa aming guro nailagay ng may akda ang mga nagsipaganap sa nobela , ukol sa mga taong nakapaligid kay Rizal at nakakasalamuha sa araw-araw. Ito ang mga halimbawa;

Maria Clara- Leonor Rivera
Crisostomo Ibarra- Jose Rizal
Pilosopong Tasyo-Pasiano Rizal (nakakatandang kapatid ni Pepe)
Padre Damaso-Padre Antonio Piernavieja
Kapitan Tiyago- Kapitan Hilario Sunico
Donya Victorina -Donya Agustina Medel de Coca
Crispin at Basilio- Magkapatid na Crisostomo
Prayle- Mga Paring Pransiskano 

Aming aralin at babasahin ang mga kabanatang nasa nobela lalo na kay Crisostomo Ibarra , bilang takdang aralin na inatas  ng aming guro. ")

Pangalawang linggo ng ika-apat na markahan!

Pinag-aralan namin ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli me Tangere na siyang nagtulak sa may akda na sulatin ang nasabing nobela.  "Pagkalugi ng Galleon Trade", "Pagkalaya ng iba pang kolonya Espanya" ay ilan lamang sa mga halimbawa nito. 

Liberalismo, Equalidad, Praternidad; ang nag palaya sa Pilipinas habang nasa kamay  tayo ng mga Kastila, tanging ito lamang ang nag udyok para mailimbag ito ng ating Pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal. at sa huli , nag atas sa amin ang aming guro ng pangkatang gawain ukol sa mga akdang naisulat niya.