Sunday 22 March 2015

K-12 layunin: Salik sa Pag-unlad

Ano ang layunin ng DepEd K to 12 program
"Batang K-12, Handa sa trabaho o kolehiyo, Handa sa mundo."  
                                                                           - DepEd
   Makalipas ang ilang taon mula nang maprobahan ang kurkulum na k-12, masasabi nating malaki ang pondo kakailanganin para maging matagumpay ang programana ito. Ilan lamang sa mga pangunahing layunin nito ang mapadali ang proseso ng pag aaral sa mga pang publikong paaralan dito sa Pilipinas para makakuha agad sila ng trabaho at nang sa ganon tumaas ang bilang ng may mga trabaho sa ating bansa at lumago ang ating ekonomiya. 
    Sa maayos na proseso, madali na silang makatungtung sa kolehiya sa anim na taon nilang pag-aaral sa sekondaryang lebel. Ipinapaliwanag sa programang ito na sa matagal na pag-aaral madali na silang makakuha ng gusto nilang kurso sa "junior at Seniort High School" at makakuha ng gusto nilang trabaho.Ipinapaliwanag din dito ang mga kursong mapa medikal o medisina,Kopyuter tech., Teknikal- bokasyonal o ang mga napapanahon na trabaho sa ating bansa. Meron rin ini-ooffer ang ibat- ibang paaralan tulad ng Agrikultura (Agricultural sector), Industriya (Industrial Sector), laborers, mga OFWs at iba pa.
   Ayon sa National Statistics Office (NSO), pumalo hanggang 37.1M ang may mga trabaho sa Pilipinas habang kalahati nito ang mga wala pa. Patunay lamang nito ang mabilis napag-unlad ng ekonomiya ng bansa. At kaya nang makipag-sabayan sa ibat-ibang bansa.
  Tanging masasabi ko lang sa programang ito na ang ang layunin ng K-12 ay maganda lalo na sa mga taong nasa mababang lipunan tulad ko. Nais ng K-12 na mapalago ang lahat ng tao at ang ating bansa.

Friday 20 March 2015

Hayskul Life!

Ito na yata ang pinakamagandang kabanata ng aking buhay.
HAYSKUL LIFE? MINSAN MASAYA, MADALAS STRESS! 
      Naranasan mo na ba ang pagiging ganito? Pwest nandito ako para ilahad sayo ang buhay ng Hayskul. Ilan lamang ito sa mga pangunahing linya ng seksyon namin.
       kahit ano lang ang ginagawa, nagpapaka-busy, "oh! yung line mo, kabisado mo na ba?, "Nagawa mo na ba yung project?, "Yung mga assignments tapos mo na ba?, "yung pina-print ko! mamaya ko na lang bayaran. Hay, naku nakastress parang naging soap opera ang ganapan sa loob ng room namin. Pero REAltalk: ito na ang mga totoong mga nangyayare sa room.
       Kailangan mong magsipag lalo na't nasa pilot section ka. Kailangan mong paghirapan ang mga takdang aralin, proyekto sabawat asignatura. Nang sa gayon maganda ang kakalabasan nito.Masaya siya, dahil doon mo mahuhubog kung gaano ka katatag at kasaya sa propesyon mo ngayon. Lubos mo dapat pag-aralan ang mga leksyon na inatas sayo ng guro mo.Pumapasok nang umaga para sa anumang karadagan anunsyo o takdang aralin na di mo nagawa sa bahay mo, mga proyektong malapit na ipasa, nagpapakapuyat lamang para ito'y matapos, mga pangkatang inaabot na nang gabi , matapos lang ito. Madalas Stress, yung tipong bukas na yung pasahan ngayong palang gagawa, kinakapos na sa tulog magawa lang ang activities na inatas sa inyo ng guro mo at ito pa ang matindi, ang biglaang paguulat sa klase, na nakaka gulat , di ka handa sa mga sasabihin mo sa harapan ng klase. Mga pangkaraniwang kaganapan sa klasrum na kailangan mong haluan ng konting tiyaga at oras. Buti nalang mayroong mga kaibigang handang umalalay sayo sa mga oras na di mo kaya at kaya kang patawanin para naman mawala ng mga sakit sa ulo mo. Nabuo ang "FRAT" namin na kung sabihin ay Frat-ing gutom nami nila Ostia. Sa tuwing uwian kami nag tatawan para mabawasan namin ang stress sa klasroom. 
  Iyan lamang ang mga mahahagalang pangyayare sa buong buhay ko sa hayskul. 

   "Gawin mo hanggat kaya mo ,sabi nga nila basta masaya ka at alam mo na may magandang patutunguhan ito.
HAYSKUL LIFE? SUSUBUKAN MO PA KAYA? KAYA YAN! TIWALA LANG!

My MARVIElous Teacher!

         

    Hoy! nariyan na si Gng. Mixto! (tumahik ang buong paligid, tila may anghel na dumaan sa harapan)). Ang lahat ay nakatikom ang bibig, hinihintay ang unang salita na bibigkasin ng aming guro. Karamihan sa amin ay kinakabahan. Kaya kung minsan nauurat ang lahat sa pagsagot sa kanyang mga tanong. Mga pangyayare sa loob ng klase.
   Hayaan niyo ako ibunyag (ibunyag talalga XD) ang konting kaalaman ko sa aming guro.
    Kilala ang aming guro bilang masayahin, medyo estrikta,hindi siya Down-dated, Sweet lover kay Sir, K-pop lover, in na in, ngayon tulad naming mga kabataan.Kaya naman di halata sa kanya ang pagiging bagets dahil kung minsan siya ay updated sa mga ipinalalabas na Korean Movies tulad na My Love from the Star #MLFS XD, Empress Ki at marami pang iba. Marami rin natutuwa sa kanyang account sa Blog na @isipbataparen.blogspot.com . 
   Sa usaping pagtuturo , hangang-hanga ako sa kanya, dahil sa kanyang estilo sa pagtatalakay na mga aralin, naiiugnay niya ang mga aralin sa kasalukuyang panahon tulad ng sa Noli me Tangere. Kaya naman mabilis namin na kukuha at nauunawan ang kanyang talakayan. Maraming leksyon akong natututunan sa tuwing siya'y papasok at lalabas sa aming room. At higit sa lahat napapagsabay niya ang pagiging Ina,Teacher, bagets XD , sweet lover. Wala sinumang tao ang nabubunggo niya sa pagtuturo niya. MARVIELous Teacher ng Mambugan National High School.

Ika-siyam na Linggo ng Huling markahan!

Sa katunayan ngayong linggo ang sa aming Preliminary Test (March 9 at 10) 
Makalipas ang dalawang araw na pagsusulit sa oras ng aming guro ay nag Correct response kami. Kinabukasan, aming binalikan ang mga kabanatang nauukol kay Elias at kina Sisa At Maria Clara naman ay ipinagpatuloy namin ito. Aming nang tinalakay ang kabanatang kasama si Sisa , mabilis naming ito natapos .Gayon paman aming inaral din si Maria Clara. at nagpagawa ang aming guro na gumawa ng pangkatan kung saan aming iprenisinta kung paano nag suyuan sina Maria Clara at Ibarra at kung nabubuhay pa ito sa kasalukuyan. Aming nang naipresenta nang maayos sa pangungu na aking kapangkat na si Jomar Catuiza bilang gumanap sa tauhan ni Crisostomo Ibarra. Ipinagagawa rin kami ng salaysay para sa rekonstraksyon ng kabanatang naroon s Maria Clara para maipakita na siya ay malakas at may boses sa nobela at dapat kuhaan rin ito ng litrato para mai-post sa aming blog.

Ika-walong Lingoo ng Huling markahan!

   Wala kaming pasok ng isang araw sa Linggo na'to sa kadahilanang may National Achievement Test (NAT) ang Fourth Yr. 
   Sa tatlong araw naming pagsasama, inaral namin ang mga mahahalagang pangyayari sa mga tauhsn psartikular na kay Elias. Ipinagawa sa amin ang mga kabanatang naroon si Elias. Pinagnilayan namin ang mga ito.Madali naming itong natapos. Maya- maya ang aming guro ay nag-atas sa aming ng panibagong Takdang aralin kung saan ibibida naman namin sina Sisa at Maria Clara na kanilang mahalagang ginanapan sa nobela.
At may ipinakita ang aming guro na larawan kung saan sina Sisa at Maria Clara ang naroon, at kami ay tinanong kung ano ang kanialng pagkakapareho at pagkakatulad. Ipagpapatuloy sa susunod na Linggo. Magandang buhay sa bawat isa. ")

Thursday 19 March 2015

Ikapitong Linggo ng huling Markahan!

  Dito sa linggo na ito,  isa sa mga  araw ay walang pasok sa kadahilanang "People Power Revo. Anniversary". Sa pagppatuloy na aming pagsasama, aming pinag nilayan ang tanong na " Crisostomo Ibarra: Biktima nga ba ng  tadhana o pagkakataon? sagot: Dahil nagkataon lang na anak siya ng taong kinagagalitan at kinaiingitan ni Padre Damaso na si Don Rafael. Ito ang dahilan kung bakit labis na hirap at pasakit ang dala sa kanya ng kura. Ngunit, kung hindi sya anak ni Don Rafael ay hindi naman sya sasaktan at papahirap nito.Pagkatapos ang aming guro ay nagsabi ng magkakaroon ng pagsusulit at sususbukan niya kung gaano namin naunawaan ang mga kabanatang aming Inaral ukol sa kay Ibarra. At ang sususnod na aming aaralin ay ang mgakabatanatang ukol kay Elias at siya'y nag atas nagawin din itong takdang aralin.

Ikaanim na Linggo ng huling Markahan!

   Sinariwa namin muli  ang mga kabanatang may kinalaman kay  Crisostomo Ibarra para nang sa  gano'y ito aming maunawaan nang maayos. Gumawa kami ng pangkatan sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon (Dula-Dulaan). Kami'y ay naatasan sa kabanata 3 (Ang hapunan), at ito'y aming ipepresenta sa kasalukuyang araw na ito. Naging katatawanan ang naging interpretasyon ko sa aking kamag-aral kaya naman ako'y pinagsabihan na sa pag dudula ng seryosong kabanatas isang nobela , dapat di ito'y gawing katatawanan .Tumatak ito sa aking isip  , na sa bawat pangkatan ay di dapat hinahaluan ng kakuwelahan lalo nasa mga seryosong sitwasyon o pangyayari. Ilalagay lamang ito sa karapat-dapat. At ito'y naging aral sa akin at dadalhin ko ito sa aking susunod na kabanata na aking buhay.
    Huli araw nang aming pagsasama, ang aming  guro ay nag atas ng takdang aralin kung saan gumawa nang mga bagayna sumisimbolo sa mga tauhang nakapaligid kay Crisotomo Ibarra. At ipapasa ito sa Martes. Magandang buhay!

Ikalimang Linggo ng Ikaapat na Markahan!

     Dito inaaral namin ang mga kabanatang na uukol kay Crisostoo Ibarra, kung saan ipinaatas ng aming guro na gawin itong takdang aralin at ilapat ito sa buong isang papel.kasama nito ang mga dahilan kung bakit ito mahalaga. Una nang inulat ng pangkat una ang mga kabanata. 28 kabanata ang pinag hati hati ng buong pangkat. Sa huling paguulat ng huling pangkat sinamahan kami ng pangkat Hydrogen sa kadahilanang na huhuli sila sa talakayan.
     Sa buong linggo naming pag sasama natapos namin ang mga mahahalagang pangyayari kay Ibarra. Sa maaga naming natapos ang mga kabanata, araw na'to saktong Araw ng mga puso, kami'y gumawa ng liham na patula para sa pasasalamat  sa mahal namin sa buhay.

Wednesday 18 March 2015

Ikaapat na Linggo ng pang-apat na Markahan!

Sa katunayan ngayon ang aming Parade of Characters kung saan ibibida namin ang mga tauhan na nakapaloob sa nobela.Maraming sa aking kamag-aral ang nakikoopereyt at siyang ikinatuwa ng aming guro. Sa aming pangkat ,masasabing kong kami ang pinakakamaganda nag perporm sa klase. Masaya naming inilahad ang kani-kanilang pagkakakilalan.
Sa huli ang aming guro ay nag atas muli nag panibagong pangkatan na aming iuulat sa Martes hinggil sa mga kabanatang nakaatas sa bawat grupo.Maraming salamat po! 

Pangatlo linggo ng ika-apat na markahan!

Mga natatanging tauhan at ang kanilang sinisimbolo.

Aming inaral ang kanilang sinisimbolo sa totoong buhay na nangyare kay Jose Rizal . Base sa aming guro nailagay ng may akda ang mga nagsipaganap sa nobela , ukol sa mga taong nakapaligid kay Rizal at nakakasalamuha sa araw-araw. Ito ang mga halimbawa;

Maria Clara- Leonor Rivera
Crisostomo Ibarra- Jose Rizal
Pilosopong Tasyo-Pasiano Rizal (nakakatandang kapatid ni Pepe)
Padre Damaso-Padre Antonio Piernavieja
Kapitan Tiyago- Kapitan Hilario Sunico
Donya Victorina -Donya Agustina Medel de Coca
Crispin at Basilio- Magkapatid na Crisostomo
Prayle- Mga Paring Pransiskano 

Aming aralin at babasahin ang mga kabanatang nasa nobela lalo na kay Crisostomo Ibarra , bilang takdang aralin na inatas  ng aming guro. ")

Pangalawang linggo ng ika-apat na markahan!

Pinag-aralan namin ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli me Tangere na siyang nagtulak sa may akda na sulatin ang nasabing nobela.  "Pagkalugi ng Galleon Trade", "Pagkalaya ng iba pang kolonya Espanya" ay ilan lamang sa mga halimbawa nito. 

Liberalismo, Equalidad, Praternidad; ang nag palaya sa Pilipinas habang nasa kamay  tayo ng mga Kastila, tanging ito lamang ang nag udyok para mailimbag ito ng ating Pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal. at sa huli , nag atas sa amin ang aming guro ng pangkatang gawain ukol sa mga akdang naisulat niya. 

Sunday 25 January 2015

Ikaapat na markahan ; Unang repleksyon!

Sa panimula ng bagong Linggo ng huli at pang apat na markahan ng aking blog, halina't hayaan niyo ako isalaysay ang mga pangyayaring naganap sa nasabing linggo.
-Ngayung Markahan, inaral namin ang isang nobela ni Rizal na Noli me Tangere , nobelang malaki ang naiambag sa ating kasaysayan mapa sa kasalukuyan. Inaral din namin ang mga kapaligirang pang kasaysayan kung bakit niya nasulat ang nasabing nobela. Bilang panimula sa aming Markahan iyan lamang ang mga nangyari sa makabuluhang linggo na ito. :)

Dr. Jose Rizal :)

Noli Me Tangere: Mga Tauhan

Ang Noli Me Tángere[1] ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito. Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13–17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa Ingles nito ay Social Cancer. Sinundan ito ng El Filibusterismo, isa pang nobela ni Jose Rizal. -google

Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin"

Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.

Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

Maria Clara

Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso

Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Donya Consolacion

Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Don Tiburcio de Espadaña
Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Señor Nol Juan
Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas
Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo at Bruno
Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Iday, Sinang, Victoria,at Andeng
Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.

Don Saturnino
Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Mang Pablo
Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin

Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana Maria
Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino
Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.                                                                                               *****************************                                                                                                                                                                         
May handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Maraming handa, Dumalo ang mga kaibigan at kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga taong hindi inimbita. Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon. Kaya lamang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad ng nangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guardia civil. Talo pa nila ang mga walang pinag-aralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si Don Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiago. Nagulat si Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kanyang pag-aalala nang lapitan siya ni Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kanyang ama.
Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiago bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang pakikipag-usap ng ilang panauhin kay Ibarra habang naghahapunan ay humanga sa pagsasalaysay niya ng kanyang nakikinig sa kanyang pagsasalita, marami ang namasid at palagay tungkol sa kalagayan ng mga bansang nalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang lamang ng salapi ang gayon. Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng dating pari sa kanyang bayang San Diego. Umalis siya nang hindi pa tapos ang hapunan.
Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng pagkakabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael sa isang batang lalaki na gustong saktan ng artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na yaon muling natauhan at tuluyan nang namatay. Hinuli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal ang paglilitis ng kanyang usapin hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan ng may sakit. Sa tinuluyang silid ni Crisostomo Ibarra ay iba-ibang pangitain ang nakita niya sa kanyang isipan. Naging abalang lubha ang kanyang pag-iisip sa malupit at malungkot na kapalarang sinapit ng kanyang ama. Hindi na tuloy niya napag-ukulan ng pansin ang mga tanawing makapagpapaligaya sa puso.
Mauuri ang mga taong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiago. May humahanga at natutuwa sa kanya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa kanyang mga pandaranas at katusuhan sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas ng kanyang kaluluwa. Marahil ay dahil sa pag-aakalng mabibili niya pati na ang Diyos. Ngunit, ano man ang kapintasan ni Kapitan Tiago ay sinasabing mahal na mahal niya ang anak na si Maria Clara kahit na hindi niya ito kamukha. Inakala ng mga kamag-anak ni Kapitan Tiago na gawa ng paglilihi sa mga santol ng asawa niyang si Donya Pia ang pagka-mestisa ni Maria Clara. Sinasabi ring ang donya ang isa sa mga dahilan ng lubhang pagyaman ng Don.
Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan niyang sa Maria clara sa bahay ni Kapitan Tiago sa Binondo. Sa kanilang pag-uulayaw sa balkonahe ay sinariwa ng balisa si Kapitan Tiago bago at pagkatapos ng pag-uusap nila ni Padre Damaso. Samantala, ay isang matandang pari sa kanilang korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng paring may sakit na kailangan nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas sapagkat namumulat na ang isipan ng mga tao sa katotohanan kinabukasan ay Araw ng mga Patay. Kailangan niyang umuwi sa San Diego upang dalawin ang libing ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra.
Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga tao’t bagay-bagay sa mga lansangan at mga pook na binagtas ng kanyang karwahe mula sa Binondo. Itinulad niya ang mga iyon sa mga naobserbahan niya sa kanyang paglalakbay sa mga bansa sa Europa. Nasabi niyang higit na mauunlad ang mga bansa sa ibayong dagat kaysa sa sarili niyang bayan. Kinausap ni Padre Damaso si Kapitan Tiago tungkol sa isang mahalagang bagay na sila pa lamang ang nakakaalam. agkasuyo ang masasaya at malulungkot nilang karanasan. Dahil sa matamis nilang pag-uulayaw ay muntik nang malimutan ni Ibarra na. Dating isang maliit na nayon lamang ang bayan ng San Diego. Mayaman ito sa anking mga bukirin at lupaing pinag-aanihan ng palay, asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba pang mga bayan. Bukod sa ilog na parang ahas gubat sa gitna ng luntiang bukid ay angkin pa rin ng San diego ang isang gubat na nagtatago ng maraming alamat. Isa na rito ang kuwento ukol sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra.
Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila’y ang kura ng kinatawan ng Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa halip na mag-utos ay siyang inuutusan. Ang mga makapangyarihan. Todos los Santos. Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa libingan. Hinananap nila ng kasamang katulong ang puntod ng kanyang amang si Don Rafael, ngunit hindi nila iyon natagpuan. Isinalaysay ng sepulturero ang kahilahilakbot na nangyari sa bangkay ng Don dahil sa utos ng “Malaking Kura’. Nilisan ni Ibarra ang libingan na gulong-gulo ang isp. Diniian niya sa balikat ang nakasalubong ang kura sa pag-aakalng iyon ang humamak sa bangkay ng kanyang ama. Kakaiba sa karaniwan ang mga kilos at paniniwala ni Pilosopong Tasyo. Kaya may mga nagbabansag sa kanyang pilosopo at may nag-aakala ring siya ay isang baliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay mapupunang makasiyensiya, makatao, at maka-Diyos ang kanyang mga paniniwala sa buhay.
Jose Rizal
Jose rizal craig01g.jpg
Mga sakristan sa simbahan ng San Diego sina Basilio at Crispin. Gabi na’y nasa kampanaryo pa ang magkapatid. Ayaw silang pauwiin ng sakristan mayor hangga’t hindi nila naililitaw ang salaping (tatlumpu't dalawang piso) ibinibintang sa kanila na ninakaw ni Crispin. Pinag-uusapan ng magkapatid ang nararapat na gawin para makauwi na sila sa kanilang ina nang dumating sa kampanaryo ang sakristan mayor. Kinaladkad niyang pababa si Crispin at pinagsabihan si Basilio na huwag munang umuwi, lampas alas diyes na daw sya ng gabi makakauwi. Ang sinasabing curfew ay alas nuebe lang ng gabi.
Maraming katangian si Sisa… mabuti at masasama. Nakaimpluwensiya nang malaki sa asawa ni Sisa ang nasasabing mga katangian. Sa pamamagitan ni Sisa ay nailantad ni Dr. Rizal ang mabubuti at masasamang katangian ng babaing Pilipina. Hindi maitatanggi na ang masasamang kaangkinan ay nagbubunga rin ng masama.
Sa pag-uwi ni Basilio mula sa kumbento ay sinita siya ng guardia civil. Nagtatakbo siya nang takot lalo pa nga’t hindi niya naintindihan ang itinanong ng Kastila. Pinaputukan siya at nadaplisan ng bala sa noo. Binalak niyang iwan ang pagsasakristan at pumasok na lamang bilang pastol kay Crisostomo Ibarra. Ipinagtaka ng mga namamahala sa pista ang hindi pagpapahalik sa kanila ng kamay ng pari. Samantala, napabilang si Sisa sa mga nagdurusang kaluluwa nang malamang wala sa kumbento ang susunduin sana niyang anak na si Crispin. Gayon na lamang ang pagkabahala ni Sisa. Naipayak siya sa kusina ng kumbento kaya’t ipinagtabuyan siya ng kusinero.
Nagtanong si Crisostomo Ibarra sa guro ng paaralan sa San Diego ng tungkol sa problema sa edukasyon. Isinalaysay ng guro ang iba’t ibang problema pa rin ang kahirapan ng mag-aaral at kakulangan sa mga kagamitan sa pagtuturo. Nakabibigat pa sa lahat ng ito ang kawalan ng kalagayan ng guro sa kanyang pagtuturo at ang wikang gamit sa panturo.
May pulong sa tribunal ng San Diego. Mga namumuno sa mga nayon at bayan ang nagmimiting. Adyenda ng miting ang mga gagawing pagdidiriwang para sa pista ng San diego. Naging mainitan ang pagtatalo sa mga mungkahing iniharap, lalo na ang ukol sa balak na iminungkahi ni Don Filipo. Gayunam’y pinagtibay ang mungkahi ng isang karaniwang kasapi. Nang nagkakasundo na ang lahat tungkol sa idaraos na mga pagdiriwang ay saka ipinaalam ng kapitan na hindi maisasagawa ang pinagkasunduan ng dalawang partido sapagkat iba ang gusto ang kura para sa pista. Si Sisa ay hinuli ng dalawang guardia civil dahil sa hindi natagpuan ang dalawa niyang anak na pinagbintangang magnanakaw. Gayon lamang ang hiya ni Sisa nang dalawang oras siyang makulong sa kwartel ng mga sundalo. Pinalaya naman siya ng alperes pagka't pakana lamang daw ng kura ang pagsusuplong kay Sisa. Maraming pangyayaring pinatindi ng pagkakakita ni Sisa sa duguang kapirasong damit ni Basilio – ang siyang nagging dahilan ng kanyang tuluyang pagkabaliw.
Dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Halos magkapasabay na pumunta sa bahay ng dalaga sina Ibarra at padre Salvi. Gayunpaman ay nagbatian ang dalawa. Inanyayahan ni Ibarra si Salvi sa piknik na gagawin sa gubat ng mga magkakaibigang binata at dalaga sa San Diego. Tinanggap ng pari ang paanyaya. Nagmamadaling nagpaalam si Ibarra sa kasintahan upang ihanda ang mga kailangan sa piknik. Sa daan ay isang lalaki ang kumausap sa kanya. Natupad ang kahilingan ni Maria Clara kay Ibarra na magpapiknik sa kanilang mga kaibigan. Dalawang bangkang malaki ang pinangayan ni Ibarra. Ang mga ito ang ginamit nilang magkasama sa pangingisda ng kanilang pananghalian at sa pagtawid sa lawa patungo sa gubat na pagpipiknikan. Ang kasayahan ng magkakaibigan ay pinalungkot sandali ng inawit ni Maria Clara. Nabahiran din iyon ng pangamba nang pumasok sa baklad na unang pinangisdaan ang isang buwaya. Sa nasabing sitwasyon ay iniligtas sa kapahamakan ni Ibarra ang pilotong sumasagwan ng bangka ng kanilang sinasakyan. Sa gubat idinaos ang masaganang pananghalian na inihanda ni Crisostomo Ibarra para sa mga panauhing inanyayahan; sina Padre Salvi at ang alperes o tenyente ng guardia civil. Nagturu-turuan sa pananagutan ang dalawang batang sakristan. Namagitan sa kanila si Ibarra nang hindi na lumala pa ang pagkakakitan ng dalawa. Kinaawaan ng mga nagsisipagpiknik si Sisa na nakarating sa gubat sa pagpapalabuy-laboy. Binalak ni Ibarra na ipagamot si Sisa at ipahanap ang dalawang anak niyon. Sa pagtatapos ng piknik ay dumating naman ang sarhento ng mg guardia civil. Hinanap nila ang piloto na Elias ang pangalan dahil sa pagkakagulpi niyon kay Padre Damaso at dahil din sa pagkakahulog ng tenyente sa luba na puno ng putik.
Isang kubo sa tabi ng batis ang tinungo ni Elias, o piloto, pagpanggaling niya sa piknik. Ang kaibigan niyang dalaga, si Salome, ang naninirahang mag-isa sa nasabing kubo. Hindi malubos ang pag-iibigan ng dalawa dahil sa kahirapan nila ni Salome ang kanilang magiging anak, kaya’t hindi niya pinigilan ang dalaga sa balak niyang paglayo upang manirahan sa mga kamag-anak niya sa Mindoro.
Sinadya ni Crisostomo Ibarra ang bahay ni Pilosopong Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa balak niyang pagtatayo ng paaralan sa San Diego. Unang ipinayo ni Pilosopong Tasyo ang paglapit ni Ibarra sa kura upang isanguni ang plano. Bukod ditto kailangan paring sumangguni ang binata sa iba pang makapangyarihan sa bayan. Sa simula’y tinutulan ni Ibarra ang gayong mga payo. Ikinatwiran niyang mabuti ang kanyang layunin kaya’t tiyak na magtatagumpay sa tulong ng ilang matitinong tao sa bayan. Ipinaalaala ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra na hindi maaaring makibagay sa pari at iba pang makapangyarihan ang binata, ipinayo ni Pilosopong Tasyo na isaisantabi na muna iyon ang balak sa pagpapatayo ng paaralan. Abala ang lahat sa paghahanda para sa pista ng San Diego. Natatangiang mga pagkain ang inihanda sa malalaki at maliliit mang bahay. Ang kasiglahan ay higit na kapansin-pansi sa mga lansangan sinabitan ng mga papel na iba-iba ang kulay at pinaparadahan ng mga banda ng musiko. Bukod sa paghahanda ng mga pagkain ay naghahanda rin pa sa isang malakasang sugalan ang mayayaman. Tila tampok ng pista ang pagsisimula ng paggawa para sa ipinatayong paaralan ni Crisostomo Ibarra. Gayon na lamang ang paghanga ng marami sa binata dahil sa kapakipakinabang na proyekto niyon. Tanging si pilosopong tasyo ang hindi malubos ang kasiyahan gawa ng kung anong pangitain niya. Kagabihan ng bisperas ng pista sa San Diego ang kagandahan ng dalaga. Tumingkad ang gayong kagandahan dahil sa anyang taglay na kabaitan at kagandahang-loob. Pinaunayan ito ng iba’t ibang mga pangyayaring naganap sa kanilang pamamasyal.
Tungol sa sulat ng kabanata 29. Dalawa sa nasabing sulat ang nagbabalita at naglalarawan ng maulay na selebrasyon para sa pista ng San Diego gayong bispeas pa lamang. Makikita ang mga kapintasan ng mga Pilipino sa gayong paglalarawan. Ang isa ang isa pang sulat para kay Ibarra na mula kay Maria Clara. Punong ng pag-aalaala at hinampo ang sulat ng dalaga. Araw ng pista sa San Diego. Masasasihan ang iba-ibang bagay na ginanap bilang selebrasyon sa pista. Mga bagay na sa palagay ni Pilosopong tasyo ang mga pagmamalabis na lalo lamang nagpapahirap sa bayan, ngunit taun-taon ay pilit na ipinagagawa sa mga Pilipino para mapagtakpan ang paghihirap ng bayan. Ni walang naipasok na pagbabago ang isang pinunong Pilipino ng tulad ni Don Filipo, pagkat halimbawa siya ng mga pinunong dinidiktahan ng mga dayuhan.
Nasa loob na nga simbahan ang mga mamamayan ng San Diego…ang mayayaman at mahihirap, ang pinunong bayan at magbubukid. Masikip sa loob ng simbahan kaya’t sarisaring dama sa buhay ng tao ang mapapanood. Saisari rin ang maraamdaman. Si padre Salvia ng nagmisa at naging kapuna-puna ang madalas sa pagkawala niya sa tono ng kanyang binigkas at kinakanta. Sa Maraming pangyayari ay naipamalas ni Dr. Jose Rizal ang kanyang humor sa pagsulat. Punong-puno ng mga tao ang simbahan ng San Diego. Maganda ang simula ng sermon ni Padre Damaso. Hinangaan ng marami ang sermon lalo na ng mga paring naunang nagsermon. Naga-alaala ang mga iyon na mahigitan ni Padre Damaso sa pagsesermon. Ngunit mga “barbaro” tuloy sila sa paningin niyon. Lumalabas na tila nasang ang buong umaga ni Padre Damaso sa pagsesermon. Isang lalaking may maputlang mukha ang nagprisenta sa namamahala ng pagpapatayo ng paaralan. Naprisinta siyang magtayo ng panghugos na gagamitin sa sermonya sa paglalagay ng pulok na bato sa itatayong paaalan sa San Diego. Mukhang namang matibay at matatag ang itinayo niyang paghugos. Ngunit sa hinda malamang dahilan ay bigla iyong nagiba at bumagsak nang si Ibarra na ang nasa huay sa katapat ng panghugos. Kataka-taka in gang lalaking nagtayo nh panghugos ang nabagsakan niyon, athindi si Ibarra. Dumalaw sa tahanan si Ibarra si Elias. Muli niyang pinaalalahanan ang binatang mag-ingat sa mga kaaway niyon. Sa pag-uusap nina Elias at Ibarra ay pinagtakpan nitong huli. Ang matatayog ng mga aisipang ipinahayag ng kahaap. Naunawaan ni Ibarra na lalong tumindi ang pananalig ni Elias sa Diyos nang mawalan iyon ng tiwala sa tao. Subalit ninais niyang maligtas sa kapahamakan si Ibarra para sa kapakanan ng bayan. Maayos ang simula ng handaan. Sagana sa pagkain. Masigla ang lahat. Pinasuan ng munting pag-aalala ang ilang makapangyarihan sa pagdating ng telegramang mula sa gobernado-heneral. Gayon pa man ay nagpatuloy ang kasiglahan, subalit muling nauntol sa pagdating ni Padre Damaso. Dinugtungan niyon ang mga pagpaparungit na sinimulan sa anyang sermon sa simbahan. Nang banggitin niyang muli ang tunkol sa alaala ni Don Rafael Ibarra ay hindi na nakapagpigil si Cisostomo Ibara. Galit nag alit na hinarap ng binata ang pari.
Kumalat ang balita tungkol sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso sa handaan. Bawat grupo ng mamamayan ng San Diego ay iba ang nagging palagay sa dapat o hinda dapat ginawa ni Ibarra at ng pari. Bawat isa’y humuhula rin sa iba pang mangyayari dahil sa naganap sa dalawa. Ang mahihiap na magbubukid ang higit na nalulungot at nag-aalaala dahil sa maaaring hindi na matuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Hindi na rin maaaring makapag-aaaral ang anilang mga anak. Pati sina Kapitan Tiago at Maria Claa ay napasama o naapektuhan sa nangyai kina Padre Damaso at Ibarra. Naeksumulgado si Ibarra. Pinagbilin naman si Kapitan Tiago na putulin ang relasyon niyon kay Ibara at iurong na ang kasal nina Maria Clara at Ibarra. Iniluluha ni Maria Clara ang nanganganib na pag-iibigan nila ng binat. Pinopoblema naman ni Kapitan Tiago ang malaking halagang utang niya kay Ibarra na kailangang bayaran niya kaagad kung puputulinniya nag elasyon sa sana’y mamanugangin niya.
Dumating ang goberndor-heneral sa San Diego. Maraming humarap sa kanya upang magbigay-galang. Isa na rito si Ibara na sadya niyang bayan at sa mga makabgong ideya nito sa pamamalakad sa bayan. Hinangad niyang matulungan ang binat, ngunit sinabi niyang maaaring hindi niya iyon laging magagawa. Inakit niyang manirahan si Ibarra sa Espanya sapagkat nanghihinayang siya sa binata.
Hindi naipagsaya sa araw ng kapistahan ng San Diego si Donya Consolacion. Pinagbawalan siyang magsimba ng kanyang asawa dsa ikinahihiya siya niyon. Nag-iisa sa kanilang bahay si Donya Consolacion habang nagsasaya ang karamihan sa mga mamamayan, kaya’t si Sisa ang napagbalingan niya at pinaglupitan.
Isa pang pagdidiriwang para sa kapistahan ng San Diego ang ginanap sa plasa. Ito’y ang pagtatahanghal ng stage show. Sarisaring kilos at katangian ng iba-ibang uri ng tao ang maoobserbahan sa dulaan. Maaming tao ang naligalig ngunit iba-iba ang dahilan ng kanilang pagkakabalisa. Kaya’t ang magarbong pagdiriwang ay nagwakas sa kaguluhan. Hindi makatulog si Ibarra dahil sa iba-ibang isipinag gumugulo sa kanya kaya’t inumaga siya sa pagtitimpla ng kung anu-anong kemikal sa kanyang aklatan. Naabala siya sa pagdating ni Elias na nagbabalita sa kanya ng patungo nito sa Batangas at pagkakasait ni Maria Clara. Buong pusong pinasalamatan ni Ibarra si Elias sa pagiging maalalahanin niyon. Kabaligtaran ng gayong kilos ang ipinamalas niya sa ikalawang panauhin dahil sa nahalata niyang pangunguwarta niyon. Malungkot noon sa bahay ni Kapitan Tiago sapagkat may sakit si Maria Clara. Dahil dito ay naipatawag si Dr. Tiburcio de Espadaña, na asawa ni Donya Victorina, upang siyang tumingin kay may Maria Clara. Naging magasawa ni Don Tibucio at Donya Victorina pagkat natugunan ng bawat isa sa kanila ang magkaiba nilang mahigpit na pangngailangan. Mahuhulaan nang hindi kasiya-siya ang kanilang pagsasama dahil sa nasabing dahilan ng pagkakasal nila sa isa’t isa. Isang bagong tauhan ang nakilala sa kabanatang ito… si Alfonso Linares na inaanak ng bayaw ni Padre Damaso. Naging administrado sana siya ng mga ari-arian ni Donya Victorina ung totoo lamnag ang inamalita niyong pagdadalantao.
Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria Clara. Nahalata ng mga taong nakapaligid sa kanyang pagkabalisa. Tila nalibang lamang siay nang aunti nang ipakilala sa kanya ni Donya Victorina ang binatang Kastilang si Alfonso Linares. Waring nag-iisip si Pade Damaso nang makilala niya ang inaanak ng kanyang bayaw na ipinagbilin sa kanya sa sulat nito. Samantala, takangtaka si Lucas nang sigawan siya at ipagtabuyan ni Padre Salvi nang ibinalita niya rito ang pagbibigay sa kanya ni Ibara ng limadaang pisong bayad-pinsala. Nabiant si Maria Clara pagkatapos makapangumpisal at iba- iba ang hatol ng mga taong nakapaligid sa kanya inihanda ni Tiya Isabel si Maria Clara sa isang mabuting pangungumpisal na muli. Siyang-siya si Tiya Isabel sa naitang pagluha ng dalaga pangkat nangangahulugan iyon ng pagsisisi ayon sa kanya.
Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang nagtatago sa mga abundukan sapagkat siya ay nagging rebelde laban sa pamahalaang Kastila. Natagpuan siya ni Elias sa kanyang pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-buhay. Ipinaliwanag ni Elias na may mapakikiusapan siyang isang mayamang binata para maging tagpagsalita nila sa Cortes sa Espanya tungkol sa mga karaingan ng mga mamamayang naaapi sa Pilipinas tulad ng matandang lalai, Tandang Pablo. Pinagduduhan ni Tandang Pablo kung papanigan ang mga naapi ng binata sapagkat iyon ay mayaman, at ang mga mayayaman ay walang hangarin kundi ang lalong magpayaman. Ang sabong ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Sa sugal na ito ay makiita ang katangain at kapintasan ng mamamayang Pilipino. Hindi lang paglilibangan ang nagaganap sa sabungan. Makikita rin na isang pook tiong panangyayarihan ng iba-ibang klase ng pandaraya at pakana. Para itong baying kaikitaan ng mga taong nagsasamantala at pinagsamantalahan.
Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San Diego. Nakakahawak pa ang donya sa asawa at may pagyayabang na mababakas sa kanyang anyo. Kay, gayon na lamang ang kanyang pagkainis nang hindi siya pansinin ng mga taong nakasalubong, lalo na nga ng omandante. Nagyaya na tuloy siyang umuwi. Nag-away sila ni Donya Consolacion nang mapatapat silang mag-asawa sa bahay ng komandante. Dahil sa nangyayaring pagkampi ng komandante kay Donya Consolacion ay pinagbantaan ni Donya Victorina si Linaes na ibubunyag niya ang lihim ng binat apag hindi niyon hinamon ng duwelo ang komandante. Dumating na muli sa San Diego si Ibarra pagkatapos ng ilang araw na pag-aasikaso sa kanyang kaso. Napatawad siya sa pagkaeskandalo ng mismong arsobispo. Kaagad niyang dinalaw si Maria upang ibailta iyon. Ngunit tila may namagitang hindi pagkakaunawaan sa dalawa dahil sa dinatnan ni Ibarra si Linares sa bahay ni Kapitan Tiago. Samantala, nagtaka si Ibarra nang Makita niyang nagtatrabaho si elias kay Maestor Juan gayong wala iyon sa talaan ng mga manggagawa.
Dumating si Ibarra sa tipanan nila ni Elias. Habang namamangang patungo sa kabilang bayan ay sinabi ni Elias kay Ibara ang mga karaingan ng mga manghihimagsik. Inakala ni Elias na makatulong si Ibaa sa pagpapaating sa nasbing mga kanilang palagay ni Ibara tungol sa guardia civil at oporasyong ng mga prayle. Matapos na maibulalas ni Elias ang kasaysayan ng kanyang angkan. Nagulumihan si Ibarra sa kanyang nairinig na alupitan ng tao sa kapwa tao. Hiniling ni Elias kay Ibarra na manguna iyon sa pagpapaating ng mga karaingan ng mamamayan sa pamahalaang Kastila sa Espanya upnag magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaang sa Pilipinas. Tumanggi si Ibarra sa pag-aakalang hindi pa napapanahon ang gayong kahilingan. Ipinasya ni Elias na tupain ang ipinangao niya ay Kapitan Pablo.
May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito. Hindi pa matukoy ang dahilan ng ilan din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang may kinalaman kina Maria Clara at Padre Salvi. Ngunit kapu-punang hindi nakabubuti para kay Maria Clara ang mahiwagang nangyari sa kanya. Palihim na nagtungo si Lucas sa sementeryo upang katagpuin ang ilan pang lalaki. Pinagbilinan ni Lucas ang mga iyon sa dapat isigaw sa paglusob sa kuwartel at sa kumbento. Sinundan ni Elias si Lucas, at inalam niya ang dahilan ng pagtatapu-tagpo sa sementeryo. Ngunit napilitan siyang iwang mag-isa doon si Lucas nang makaharap na sila sapagkat natalo siya sa suhal sa baraha.
Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may sinding kanilang nakita o kunwari’y nakita nagdaang gabi. Iba-iba rin pakuhulugan ang kanilang ibinigay sa gayong pangyayari. Samantala ay hindi ang mga kaluluwa sa purgatoryo ang paksa ng usapan nina pilosopong Tasyo at Don Filipo, kundi ang pag-unlad na sinasang-ayunan ng mga Heswita at hinahangaan sa Pilipinas, bagama’t tatlong –daan taon na itong luma sa mga bansa sa Europa. Ayon kay padre Salvi ay natuklasan niya sa pamamagitan ng isang babaeng nangumpisal sa kanya ang isang malaking sanwatan laban sa pamahalaan at simbahan. Pinuntahan ng kura ang komandante at isinumbong niya ang kanyang natuklasan. Pinagpayuhan niyang magiangat at mahinahon sa pamaraan ang puno ng guardia civil para madakip at mapagsalita ang mga may-pakana. Naghiwalay ang dalawang makapangyarihan na kapwa umaasa sa tatamuhing pag-asenso sa tungkulin at parangal. Samantala, natuklasan naman ni Elias ang pangalan ng taong siyang ugat ng lahat ng kasawian ng kanyang mga kaanak.
Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinagabihan. Ngunit papasok pa lamang siya sa bulwagan ay umalingawngaw na ang sunod-sunod ng mga putukan mula sa kabayanan. Takot at kalituhan ang naghari sa mga nasa tahanan ni Kapitan Tiago, matangi kay Ibarra. Nanaog siyang natitigilan. Nang makabalik siya sa kanyang bahay ay naghanda siyang para sa pag-alis, subalit inabutan siya ng mga papeles ni Ibarra, pagkat sinunog ni Elias ang kanyang bahay. Hindi iilang pala-palgay o sabi sabi tungkol sa naganap na tungkol sa putukan ang kumalat sa kabayanan kinaumagahan. Inilantad ng gayong pangyayari ang kalikasan ng pagkatao ng mamamayan. Mapupunanag walang nagging mabuting palagay sa nangyari. Ang isa pang napapabalita ay tungkol sa nagbigting lalaking may pilat sa bakurang malapit kina Sister Pute. Isang nag-anyong magbubukid ang napansing nangingilala sa nagbigting lalaki. Siya si Elias na nagtungo rin sa kumbento at nagpamisa. Sinabi niya sa sacristan mayor na ang nasabing pamisa ay para sa isang malapit nang mamatay.
Dalawa sa mga lumusob sa kwartel ang nahuli nang buhay. Sinikap ng komandante/alperes na imbestigahin sina tarsilio at Andong. Ipinaghihigante lamang ni tarsilio ang kanyang amang pinatay sa palo ng gwardia civil. Wala nang ano mang pahayag na nakuha si tarsilio kahit na nang timbain siya hanggang sa mamatay. Si Andong na nagkataong nanabihan sa bakuran ng kwartel dahil sa inabot ng sakit na tiyan ay pinalo at ipinakulong na muli ng komandante. Inilabas sa kulungan ng munisipyo ang mga bilanggo upang dalhin sa ulumbuyan. Walang malamang gawin ang kaanak ng bilanggo para makalya ang mga iyon. Tanging kay Ibarra lamng walang nagmalasakit nang nang gayon. Sa halip ay inulan siya ng mga bato’t dumi ng kaanak ng mga bilanggo. Isinisisi sa kanya ang lahat ng nangyaring mga kapahamakan. Nakarating sa Maynila ang nangyaring kaguluhan sa San Diego na marami at iba-iba na ang bersiyon. Naging tampulan ng pamumuna ang mga tauhan sa pangyayari. Nangunguna rito sina padre Salvi at Ibarra. Marami ring ipinaaalam na kalagayan sa mamamayang Pilipino noon ang nangyari kay kapitan Tinong. Mahuhulaang inggit sa kapwa at hindi lagging ang tunay na dahilan ang ikinapapahamak ng tao. Kadalsan ding ang inaakalang walang magagawang pinsala ay siyang nakapagpapahamak sa kapwa.
Ipakakasal ni Kapitan Tiago si Maria Clara kay Liñares, isang kamag-anak ni Padre Damaso, upang makatiyak siya ng tahimik na pamumuhay. Dahil dito’y nagging paksa ng tsimis ang dalga. Pati si Tenyente Guevarra ay naghinala sa kanya. Ipaliwanag ni Maria Clara kay Ibarra ang tunay na mga pangyayari na siyang dahilan ng paglalayo nilang magkasintahan. Nagpatuloy sa pagtakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Ipinayo ni Elias sa kasama na mangibang bansa na. Ngunit may ibang balak si Ibarra. Nais niyang makpaghihiganti sa mga taong nagsadlak sa kanya sa bilangguan at sa mga humamak sa kanyang kapitan. Hindi sinag-ayunan ni Elias ang gayong balak sapagkat maraming walang-malay ang maaaring madamay. Ipinasiya ni Ibarra ng ituloy ang nasabing balak na hindi kasama si Elias. Nagpahatid siya sa bundok, pero natuklasan na ang kanyang pagtakas at itinugis sila ng patruya at isa pang bangkang lulan ang mga guardia civil. Tumalon sa lawa si Elias at nagpahabol sa mga tumutugis upang makalayo ang bangkang kinahihigaan ni Ibarra.
Nabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang balitang napatay si Ibarra sa tungisan sa lawa. Ipinasya niyang huwag nang pakasal kay Liñares ito’y ipinaalam niya kay Padre Damaso. Minabuti pa ng dalagang magmongha pagkat wala na siyang pag-asang mangunita man lamang si Ibarra. Nadama ni Padre Damaso ang bigat ng pakakasalang nagawa niya sa pakikialam sa pag-iibigan nina Ibarra’t Maria Clara. Ipinagtapat niya sa dalaga ang tunay na dahilan ng gayon niyang panghihimasok.
Bisperas ng Pasko. Napasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na kumupkop sa kanya sa kabundukan. Nagpaalam na rin siya upang umuwi sa kanila. Nagpag-alaman niyang nabaliw ang kanyang ina at nagpagala-gala sa bayan ng San Diego. Hinanap niya iyon at nang magkita sila’y hindi siya kaagad nakilala ni Sisa kaya’t muli iyong tumakas. Nakarating ang kanyang ina sa gubat. Nang noche buenang iyon ay isa pang wari’y takas din ang dapat gawin ni Basilio. Iba-ibang klase ng kasawiang-palad ang naganap sa buhay ng mga tauhan ng nobelang ito. Tanging ang alperes/komandante ng guardia civil sa San diego ang matagumpay na nagbalik sa Espanya at gayon din naman si Padre Salvi na nataas ng tungkulin. Sarisaring balita ang kumalat kay Maria Clara – mga balitang hindi napatunayan pagkat nilukuban ng maykapal na pader ng monasteryo ng Sta. Clara. -google

                                                           ********************                                                               Akda at anekdota ni  
Dr. Jose P. Rizal       

Ang Mga Gamugamo at Si Jose Rizal

Ang ina ni Rizal ang unang nagturo sa kanya ng pagbasa. Kung sila ay inaabot ng gabi at si Rizal ay pagod na sa pag- aaral ng pagbasa, si Ginang Rizal naman ang bumabasa at ang anak ang nakikinig. Isang gabi silang dalawa na lamang ang naiwang gising sa kanilang bahay. Sa kanilang pagbasa ay wala nang ilaw na may sindi maliban sa osang tinghoy. Si Rizal ay nag-aantok at pagod na sa pagbasa ng librong kangyang pinag-aaralan. Kaya ang Ina naman ang bumasa at si Rizal ay naking nalamang. 

Hindi rin nagtagal at ang bata ay napagod sa pakikinig. Siya ay nalibang ng mabuti sa mga gamugamo na naglalaro sa ilaw. Minsan, si Rizal ay naghikab at napansin ng ina na hindi na ito nakikinig. Huminto ito ng pagbasa at saka nagwika. "Ngayon ay babasahin ko sa iyo  ang isang marikit na kwento. Makinig kang mabuti". Nang marinig ni Rizal ang salitang "kwento," nadilat ang kanyang mga mata at tumingin sa Ina. Dagling nawala ang kanyang antok.

Pinagmasdan niya ang kanyang ina habang binubuksang isa'isa ang mga dahon ng libro sa paghanap ng kwentong babasahin. Mayamaya'y nagsimula ang Ina ng pagbasa.

 Mayroon daw dalawang ga gamugamo, isang matanda at isang bata. Maibigin silang maglaro sa tabi ng ilaw na kandila. Isang gabi ang batang gamugamo ay lumipad nang lubhang malapit sa ningas ng kandila. "Mag-ingat ka!" ang tawag ng matandang gamugamo. "Baka masunog ang pakpak mo ay hindi ka na makalipad."

"Hindi ako natatakot," ang mayabang na sagot ng batang gamugamo. At nagpatuloy siya ng palipad sa paligid-ligid ng magandang ningas. Minsan, sa kanyang paglipad ay nadikit sa ningas ang kanyang pakpak at siya ay nalaglag sa mesa. 

"Sinabi ko na nga ba sa iyo," ang sabi ng matandang gamugamo. "Ngayon ay hindi ka na makalilipad na muli. Samantalang nakikinig si Rizal sa kwento nalilibang naman siya sa maliliit na gamugamong naglalaro sa kanilang ilaw. Napansin nya ang malaking hangad ng maliliit na kulisap na makalapit sa ilaw sa paghanap ng liwanag kahit mapanganib. At nang masunog ang pakpak at malaglag sa mesa ang batang gamugamo sa kwento ay siya ring pagkasunog ng pakpak at pagkalaglag ng isang tunay na gamugamo sa langis ng tinghoy.

Dahil sa pagkalibang sa mga gamugamo hindi na niya napansing tapos na sa pagbasa ang kanyang ina. Isa mahalagang bagay ang kanyang natutuhan. Isang dakilang aral ang kanyang nakuha sa mga gamugamo. Ang maliit na kulisap pala ay marunong ding magbigay ng pangaral na tulad ng kanyang ina. At ang mga gamugamo pala ay hindi natatakot mamatay sa paghanap ng liwanag.

Nang sila ay matutulog na nang gabing iyan, sinabi ni Rizal sa kanyang ina, "Huwag mong paparisan ang ginawa ng batang gamugamo. Makikinig ka sa pangaral upang ikaw ay hindi mapahamak."

Ang pangyayaring ito at namalagi sa alaala ni Rizal hanggang siya ay tumanda. At sa wakas ay nakita nating siya ay nagpakamatay sa paghanap ng ilaw at liwanag para sa kanyang bayan.
 ***********
 Ang Tsinelas -Anekdota ni Jose Rizal 

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.
Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni't sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.
Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.
Ang Tsinelas ni Rizal:
"Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas. "Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.
***********

Sa Aking mga Kabata -ni Jose Rizal

Unang Tula ni Rizal. Sa edad 8, isunulat ni Rizal ang una niyang tula ng isinulat sa katutubong wika at pinamagatang "SA AKING MGA KABATA".

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi

Katulad ng ibong nasa himpapawid
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian


At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda

Kaya ang marapat pagyamanin kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,


Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

   -google :)