Ito na yata ang pinakamagandang kabanata ng aking buhay.
HAYSKUL LIFE? MINSAN MASAYA, MADALAS STRESS! 
Naranasan mo na ba ang pagiging ganito? Pwest nandito ako para ilahad sayo ang buhay ng Hayskul. Ilan lamang ito sa mga pangunahing linya ng seksyon namin.
kahit ano lang ang ginagawa, nagpapaka-busy, "oh! yung line mo, kabisado mo na ba?, "Nagawa mo na ba yung project?, "Yung mga assignments tapos mo na ba?, "yung pina-print ko! mamaya ko na lang bayaran. Hay, naku nakastress parang naging soap opera ang ganapan sa loob ng room namin. Pero REAltalk: ito na ang mga totoong mga nangyayare sa room.
Kailangan mong magsipag lalo na't nasa pilot section ka. Kailangan mong paghirapan ang mga takdang aralin, proyekto sabawat asignatura. Nang sa gayon maganda ang kakalabasan nito.Masaya siya, dahil doon mo mahuhubog kung gaano ka katatag at kasaya sa propesyon mo ngayon. Lubos mo dapat pag-aralan ang mga leksyon na inatas sayo ng guro mo.Pumapasok nang umaga para sa anumang karadagan anunsyo o takdang aralin na di mo nagawa sa bahay mo, mga proyektong malapit na ipasa, nagpapakapuyat lamang para ito'y matapos, mga pangkatang inaabot na nang gabi , matapos lang ito. Madalas Stress, yung tipong bukas na yung pasahan ngayong palang gagawa, kinakapos na sa tulog magawa lang ang activities na inatas sa inyo ng guro mo at ito pa ang matindi, ang biglaang paguulat sa klase, na nakaka gulat , di ka handa sa mga sasabihin mo sa harapan ng klase. Mga pangkaraniwang kaganapan sa klasrum na kailangan mong haluan ng konting tiyaga at oras. Buti nalang mayroong mga kaibigang handang umalalay sayo sa mga oras na di mo kaya at kaya kang patawanin para naman mawala ng mga sakit sa ulo mo. Nabuo ang "FRAT" namin na kung sabihin ay Frat-ing gutom nami nila Ostia. Sa tuwing uwian kami nag tatawan para mabawasan namin ang stress sa klasroom.
Iyan lamang ang mga mahahagalang pangyayare sa buong buhay ko sa hayskul.
"Gawin mo hanggat kaya mo ,sabi nga nila basta masaya ka at alam mo na may magandang patutunguhan ito.
HAYSKUL LIFE? SUSUBUKAN MO PA KAYA? KAYA YAN! TIWALA LANG!
No comments:
Post a Comment