Sunday, 16 November 2014

repleksyon 2

Sa buong isang linggo ,tinalakay  namin ang Paghahambing .
Bago paman din ako tumungo sa aming tinalakay , si Bb. Basbasang humawak sa aming seksyon .  Dahil masakit ang lalamunan ni Bb. Basbas , tinawag niya si Bb. Usa (aming kamag-aral) para ipagptuloy ang aralin namin. 
Tinalakay namin ang PAGHAHAMBING , kung saan Ito ay ang pagkukumpara ng isang tao,bagay,hayop, lugar,pangyayari at iba pa. Mayroong dalawang uri ng kaantasan ng paghahambing .Ito ay ang magkatulad at di-magkatulad.Ang mga salitang ginagamit sa paghambing na magkatulad ay ang mga sumusunod:
 ka, magka, ga, sing, kasing, magsing, magkasing, at mga salitang paris, wangis, kawangis, gaya, tulad, hawig, kahawig, mistula, mukha, kamukha.
Samantalang  sa paghambing na magkatulad naman ay ang mga sumusunod:
Hambingang pasahol - lalo, di gasino, di gaano at di totoo.
Hambingang palamang - lalo, higit/mas... Kaysa / kay labis, di hamak.

Pagtapos namin aralin ang PAGHAHAMBING. si Bb. Usa ay nag-atas samin na mag pangkatang gawain kung saan tumatalay sa dalawang bansa sa Timog-Kanlurang Asya. At sa pagtatapos ng aming aralin, si Bb. Usa ay nag pagawa siya ng pagsasanay kung saan papaghambingin sina Gloria M. Arroyo at si Corazon Aquino.(pagsasanay 2 at 3) . 

No comments:

Post a Comment